STRESSED? Paano mo nga ba ito maiiwasan?
Ano ano nga ba ang mga paraan para mabawasan o makaiwas sa stress? Narito ang ilan sa mga simpleng paraan:
1. Huwag mag-uwi ng trabaho sa bahay.
Ang trabaho ay ginagawa sa opisina, paaralan o saanmang lugar ka nagtatrabaho. Bigyan ang iyong sarili ng sapat na oras para makapagpahinga. Bago ka umalis sa iyong workplace, iwanan mo na lahat ang iyong iniisip sa lugar na iyo para pag-uwi mo, panatag at makakapagpahinga ka na ulit. Huwag nang tumanggap ng mga text messages o chat o anumang tawag na may kaugnayan sa trabaho mo. Kung hindi nila kayang respetuhin ang oras at personal na buhay mo, ikaw na mismo ang rumespeto dito. Madali lang makahanap ng kapalit mo ang iyong pinagtatrabahuan kung sakaling nagkasakit ka o may nangyari sayo. Pero walang ibang mangangalaga sa kalusugan mo kundi ikaw din mismo.
2. Matulog sa tamang oras.
Marami sa atin ang stressed dahil sa mga iniisip na problema sa trabaho, kabuhayan at sa pamilya. Isa sa mga mabisang paraan para makabawi ang katawan natin at mabawasan ang stress ay ang pagtulog sa tamang oras. Siguraduhin na makukumpleto mo ang 6-8 oras na tulog. Ikanga, kung ang battery ay nalobat, kailangan iting irecharge.
Kaya tayo nakakaramdam ng kalungkutan o sobrang pagod ay dahil di natin kayang bigyan ng pagkakataon ang ating mga sarili para makapag-unwind. May pera ka nga pero sobrang pagod mo naman, saan mapupunta ang pera mo? Eh baka di mo namamalayan habang nagpapayaman ka, unti-unti din palang bumabagsak ang katawan mo.
Kaya kung may pagkakataon ka, i-treat mo rin ang sarili mo. Maglakwatsa ka, magtravel, libutin ang mundo, dahil ang pera madali lang maibalik, pero ang karanasan at enjoyment ay mahirap na. Sabi nga nila, habang bata ka pa o kaya mo pa, magliwaliw ka na!
5. Magmeditate o magdasal.
Minsan kaya tayo nalulungkot o nai-stress ay dahil wala tayong koneksyon sa ating mga sarili at sa Diyos. Ang pagdarasal ay may napakalaking tulong sa ating pang-araw-araw na buhay. Tandaan na hindi masamang umiyak. Ibuhos mo ang lahat ng nararamdaman mo sa pamamagitan ng pagdarasal o pagmemeditate. Kung wala kang tiwala sa sarili mo, isipin mo lang na ang Diyos ang ating pinakasandigan sa mga malalaking problema na ating hinaharap sa ating buhay.
No comments:
Post a Comment