Marami sa atin ang guro. Pero hindi natin alam ang kuwento sa likod nila. Ikaw, ano ang propesyon mo?
Sunday, August 21, 2022
TEACHER AKO: NAPILITAN LANG BA O TINAWAG NG TUNGKULIN?
Saturday, August 20, 2022
VIRAL: JEEPNEY DRIVER, HINANGAAN! TsuperHERO si Tatay!
JEEPNEY DRIVER, HINANGAAN DAHIL SA KANYANG KARATULA SA LOOB NG JEEP!
“PARA SA WALANG-WALA, TY LANG OK NA”
Araw-araw na namamasada ng jeep si Tatay Michael. Bilang mamamayan na kabilang sa indigent, kailangan niyang gawin ito para pambili ng gamot para sa asawa niyang na-stroke.
Di katulad ng karaniwang namamasada ng jeep, napahanga ang marami sa kanya dahil sa karatulang nakasabit sa likuran ng driver's seat niya.
Kuwento ni tatay, “Sinimulan ko ‘yun nu’ng tumaas ng piso ‘yung minimum na pamasahe.
Imbes na mag-1-2-3 sila, magsabi na lang sila na wala silang pamasahe at mag-thank you na lang sila.
Sapat na ‘yun.
Sobrang hirap kasi ng buhay ng mga Pilipino ngayon.
Ang buhay natin, give and take. Kung ngayon, mabibigyan ka, baka sa susunod ikaw na ang makapagbigay.
Masaya rin kasing makatulong sa mga taong kapos. Kasi lahat tayo galing doon simula nang nagpandemya.
Kahit mahirap ngayon mamasada para sa mga tsuper, kahit pa misis ko kailangan ng panggamot dahil siya’y na-stroke, importante pa rin sa akin ang makatulong.
At kahit papaano, may napapaligaya ako.”
-Tatay Michael
Talaga namang kahanga-hanga ang mga katulad ni tatay Michael. Sana ay dumami pa ang mga kagaya niya na magpakalat ng mabuting ehemplo sa sangkatauhan at sa mga susunod na henerasyon.
Credits: KMJS FB Page
MOTIVATION: BAKIT MAHALAGA ANG SUNSET SA BUHAY NG TAO?
Sunset: Isang Pagpupugay Para sa mga Nagsisikap
Isa ka ba sa mahilig manood sa tabing dagat kapag pababa na ang araw? Ano ang mga dahilan bakit marami sa atin ang nagugustuhang panoorin ang paglubog nito? May benepisyo ba ito?
Ayon sa pag-aaral, ang paglubog ng araw ay may maraming sikolohikal na epekto na nagpapahusay sa pangmatagalang kasiyahan sa buhay ng tao, at mga pisikal na benepisyo, at napatunayang nakapagpapawi ng stress.
MGA PAALALA NG SUNSET SA BUHAY NG TAO:
1. Tapos na ang isang buong araw na pagtatrabaho.
2. Oras na para magrecharge o magpahinga ang katawan.
3. Itigil na ang pag-iisip ng maraming problema.
4. Sa pagbalot ng dilim, aasahan pa rin na may darating na bagong bukas.
5. Ihanda ang sarili para sa mga panibagong pagsubok kinabukasan.
6. Oras para magpasalamat sa gabay ng Panginoon dahil sa iyong kaligtasan at kalusugan sa buong maghapon.
Kaya sa susunod na magkaroon ka ng kapagod-pagod o mahirap na araw, mag-drive papunta sa paborito mong lugar at doon mo panoorin na mawala ang iyong mga alalahanin sa buhay. Nagbibigay ito sa iyo ng dahilan upang lumabas ng bahay at panoorin ang mga biyayang naibigay sa iyo ng Diyos sa maghapon.
Thursday, August 18, 2022
LIFE STORY: "AKALA KO MAMAMATAY NA AKO." | The Most Challenging Battle I Won!
"I'M PHYSICALLY HEALTHY BUT NOT."
Life is too short, ikanga nila. Tama, napakaikli ng buhay para tayo ay malungkot o magmukmok. Pero teka, normal kang tao kung marunong kang malungkot sa ilang pagkakataon. May kalungkutan kasi na nagpapatatag pa rin sa ating mga sarili. May kalungkutang nagpapaalala na tayo'y magbalik-loob sa ating Lumikha. At may kalungkutan ding....... nakakamatay.
Ito nga pala ang kuwento ko. Ang kuwentong ito ay hango sa aking pakikipaglaban sa isang nakatatawang sakit pero nakakabaliw. Yung sakit na sa isip o sa overthinking mo lang nagsimula at sa sariling isip mo rin magtatapos.
ANG SIMULA...
Taong 2020, taon na kung saan nabalot ang mundo ng katahimikan, kalungkutan at nakulong ang maraming mamamayan sa loob ng ating mga tahanan. Isang pandemya ang naghari sa mundo na sa isang iglap, biglang nagpabago ng ating paraan ng pamumuhay at tila nagpatigil sa ikot ng ating mundo.
Buwan ng Abril 2020, bakasyon namin ito bilang mga guro sa bansa at dahil sa pagkalat ng Covid-19, wala kaming magawa kundi ang hintayin ang mga anunsyo kung kailan matutuloy ang mga naantalang programa sa aming paaralan.
Hanggang sa lumipas ang ilang mga araw, linggo, at buwan.... wala pa rin anunsyo. Dito na nagsimula ang kagimbal-gimbal na pangyayari sa aking buhay.
Hunyo 2020, oras ng hapunan, habang kami ay kumakain ay tila bigla akong nahirapang huminga. Itinigil ko ang aking pagkain at sinubukang huminga ng malalim ngunit nahihirapan pa rin ako. Hindi ko ito sinabi sa aking mga kasama sa bahay, sa halip ay nagpabili na lang ako ng Pineapple Juice. Ang bigla ko kasing naisip ay baka mataas ang Blood Pressure ko (pero di ko pa alam ang mga tungkol sa HB na mga sakit nun, basta naisip ko lang).
Yung tibok ng puso ko, napakabilis. Pabilis ng pabilis. Sinusubukan ko itong kontrolin pero ayaw pa ring tumigil. Nenenerbiyos na pala ako.
Hanggang dumating ang oras ng tulugan, ako na lang ang gising sa amin, mag-aalasdose (12:00) na pero di ko pa rin makuha-kuha ang antok ko. Pinagpapawisan ako. Nagpapalpitate na ang puso ko. Pero mga bandang alauna siguro ay naitulog ko din.
Bandang alas-3 ng madaling araw (3:00am), nagising ako. Bumangon at umihi. Pagkatapos kong umihi, bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong gisingin ang mga magulang ko pero sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Uminom ako ng tubig pero walang epekto. Umupo ako sa labas ng bahay at unti-unti ko itong pinapakalma. Hanggang sa nagawa ko ring kumalma sa loob ng mga 15 minuto. Akala ko noon maka-Cardiac Arrest na ako dahil sa severe palpitations.
Kinabukasan paggising ko, ang sakit ng ulo ko marahil dala ng kakulangan sa tulog. Nag-almusal ako at syempre dahil wala namang ginagawa, Cellphone lang ang tanging libangan sa mga panahong iyon. Nakaramdam muli ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Natakot na ako. Nenerbyos. Pero di ko pa rin sinabi sa aking mga kasama sa bahay. Hanggang sa naging araw-araw ko na itong nararamdaman na naging dahilan para di ako makatulog ng maayos sa gabi at makakain ng tama.
Mag-isang linggo na pero paulit-ulit ko pa rin itong nararamdaman. Nakakapagod na. Kaya nagpasya akong magtungo sa Laboratory Clinic. Dito ay kinuha ang Blood Pressure ko. Mataas. Nasa 140/90. Pinagpahinga ako tapos inulit. Mas lalong tumaas. Tinanong ako ng nurse doon kung nenenerbyos ba ako, at sumagot ako ng "hindi". At neresetahan nga ako ng gamot para sa High Blood Pressure. Nagpa-ECG na rin ako at sa awa ng Diyos normal naman ang resulta nito. Pati ang Urinalysis ay normal din.
Umuwi ako ng bahay na may dalang kaba pa rin. Uminom ako ng isang tableta sa neresta nilang pang-HB pero parang walang epekto sa akin. Gusto kong antukin ako. Gusto kong matulog pero di ko magawa.
Nagdaan pa ang maraming araw, unti-unti na akong nababawasan ng timbang. Mula 65 kgs. noong bago ako atakehin ng sakit na iyon ay biglang naging 58 kgs. na lang ako.
Dumating na rin ang panahon para kami ay magreport sa aming paaralan. Bilang isang guro, di ko pwedeng irason ang nararamdaman ko para umabsent dahil baka di nila maintindihan ito (dahil wala pa naman akong pinagsasabihan sa aking mga kasamang guro.)
Sa paaralan kung saan kami nagtuturo, lima kaming tagababa o tagapatag na sabay-sabay umakyat (dahil nasa remote area ang aming paaralan). Aarkila kami ng jeep tapos ay lalakarin ng halos isang oras ang di kayang daanan ng jeep hanggang sa makarating kami sa paaralan.
Minsan habang nasa paaralan ako, bigla na lang umaatake ang nararamdaman kong iyon. Gusto ko tuloy umuwi agad. Pero nilalabanan ko lang.
Narito ang ilan sa mga larawan ko noong mga panahong nagsimula at kalagitnaan ng aking sakit na iyon:
Dumating yung point ng buhay ko na palagi na lang akong nagsesearch sa google ng mga sintomas ng iba't ibang sakit gaya ng:
-Heart Attack symptoms
-Sintomas ng Cardsiac Arrest
-Sintomas ng High Blood
-Senyales na malapit ka nang mamatay
- Ano ang gamot sa insomia at iba pa.
Dumating rin sa punto na lagi na rin akong nanonood sa mga Vlogs ni Doc Willie Ong at ni Online Doktora sa Youtube. Dito ko rin nalaman ang mga sakit tulad ng Anxiety, Depression, at yung nararamdaman ko na PANIC ATTACK. Lagi rin akong naging suki ng mga doctor sa clinic at Laboratory Clinic.
Ano nga ba ang Panic Attack?
Ayon sa www.webmd.com, ang panic attack ay ang biglaang pakiramdam ng takot na tumama nang walang babala. Maaaring mangyari ang mga episode na ito anumang oras, kahit na sa pagtulog. Ang mga taong nakakaranas ng panic attack ay maaaring maniwala na sila ay namamatay o nababaliw. Ang takot at sindak na nararanasan ng isang tao sa panahon ng panic attack ay hindi katumbas ng totoong sitwasyon at maaaring walang kaugnayan sa kung ano ang nangyayari sa kanilang paligid.
Base sa kahululugan sa itaas, ang mga sintomas na aking nararamdaman ay ang labis na pagkatakot mamatay, laging kinakabahan at bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Minsan ay parang nababaliw na rin ako sa sobrang pag-iisip ng kung ano-ano. Takot na takot din akong lumabas ng bahay mag-isa kaya kung may pupuntahan ako ay nagpapasama ako sa aking kuya sa pagdrive ng motor.
Dumating din ang mga panahon na kung ano-ano na ang inoorder ko sa Online na mga health equipments gaya ng BP Monitor at Glucometer dahil gusto ko araw-araw na makita ang kalagayan ng katawan ko.
Inabot na rin ng taon ang aking nararamdaman at tila unti-unti nito akong nilalamon, at ibinabaon sa hukay.
Mula nang nalaman ko ang aking sitwasyon, sinubukan kong unti-unting sabihin ito sa mga taong nakapalibot sa akin. Sinimulan ko ito sa isa kong kapatid na babae. Sumunod sa nanay ko, sa mga kaguro ko at sa sarili ko.
Nag-seek na rin ako ng tulong mula sa College Professor ko dati sa Psychology at pinayuhan ako ng mga dapat kong gawin. Mabuti na lang at libre ang messenger, malaking tulong ito sa mga panahong maraming nangangailangan ng atensyon.
Dito na rin ako natutong maging matatag. Sinubukan kong lumabas ng bahay para gumala ng mag-isa. Sinubukan ko na ring kumain ng mga dati kong kinakain. Hanggang sa unti-unting nanumbalik ang sigla ng aking katawan.
MOTIVATION: HOW YOUTUBE CREATES FINANCIAL SUCCESS
YOUTUBE: Daan Para Makaahon sa Hirap!
Youtube, isang salita pero napakalaki ng halaga kapag natutunan mo itong alagaan. Marami sa atin ang mahilig manood ng mga kwento, videos, comedy skits at iba pa pero sa panahon ngayon, sa Digital Era na nakapokus ang mas nakararaming tao. Ito ay dahil na rin sa patuloy na paglawak at pagpapaganda ng mga makabagong teknolohiya gaya ng mga smartphones.
KIKITA KA SA SOCIAL MEDIA
Sa panahon ngayon, mas marami na ang nanonood sa online world kaysa sa TV kaya talaga namang naglalabasan ang mga bagong pakulo ng mga Social Media Sites. Isa rin sa mga patok na paraan ngayon ay ang pag-upload ng mga videos sa iba't ibang Social Media Platforms gaya ng Facebook, Instagram, Tiktok, at Youtube.
MGA SUCCESSFUL SA YOUTUBE WORLD
Marami na ang yumaman sa pamamagitan ng pagba-Vlog sa Youtube. Ang ilan sa kanila ay kumikita na ng mahigit isang milyon sa isang buwan. Depende rin sa haba at dami ng views na natatanggap nila.
Ang ilan sa mga kilalang Youtuber sa bansa:
Ivana Alawi
Cong TV
Toni Talks
Team Payaman
Ranz Kyle
Vice Ganda
Chookz TV
Niana Guerrero
Zeinab Harake
at marami pang iba
Sa pamamagitan nito, marami na sa kanila ang nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay, nakabili ng sariling lupa at sasakyan, nakapundar na ng negosyo at nakakapagtravel na sa ibang bansa.
PAANO KUMITA SA YOUTUBE
Isa ang Youtube sa pinakasikat na online platform para kumita. Para magsimula, kailangan mo ng email o gmail account. Irerehistro mo lang ito sa Youtube app at pindutin lang ang Create Channel at boom! may Youtube Channel ka na.
Kailangan mo lang mag-upload ng mga orihinal na videos o yung sarili mong gawa para maiwasan ang Copyright issues. Kapag may copyright issues ka kasi ay mahihirapan kang maaprubahan sa Youtube Partner Program.
Ano nga ba ang mga requirements para mamonetize ang iyong Youtube Channel?
Sundin ang lahat ng patakaran sa pagmonetize ng channel sa YouTube. Ang mga patakaran sa pag-monetize ng channel sa YouTube ay isang koleksyon ng mga patakaran na nagbibigay-daan sa iyong kumita sa YouTube.
Bilang kasosyo sa YouTube, ang iyong mga kasunduan, kabilang ang mga patakaran sa pag-monetize ng channel sa YouTube ay nangangailangan ng pagsunod sa mga patakaran sa monetization na ito upang potensyal na kumita ng pera sa YouTube.
1. Nakatira sa isang bansa/rehiyon kung saan available ang Partner Program ng YouTube.
2. Walang aktibong strike o Copyright Strike (Mga Alituntunin ng Komunidad sa iyong channel).
3. Magkaroon ng higit sa 4,000 watch hours ng panonood ng publiko sa nakalipas na 12 buwan.
4. Magkaroon ng higit sa 1,000 subscribers.
5. Magkaroon ng naka-link na AdSense account.
Kung nakuha mo na ang lahat ng requirements na ito, bibigyan ka na ng Youtube ng pagkakataon para kumita sa pamamagitan ng paglalagay ng mga advertisement sa iyong mga gawang Videos. Bilang Content Creator, ikaw ay mabibigyan ng reward ng Youtibe bilang kita mo sa pinaghatian niyong revenue mula sa mga ads. Ang mga kikitain mo ay mapupunta sa Adsense account mo at maaari kang sumahod kada ikatlong Linggo ng buwan.
Kung ang iyong Channel ay consistent sa niche mo o nakuha mo ang kiliti ng mga manood, maaari kang kumita ng mahigit 100,000.00 pesos kada buwan.
Pero sa mga nagsisimula pa lamang, huwag mag-expect ng malaking sahod agad. Pasasaan pa't makikilala rin ang iyong mga Contents.
Credits: https://support.google.com/youtube/answer/72851?hl=en
Wednesday, August 17, 2022
ANXIETY: Mga Dahilan at Paraan Para Maiwasan
Anxiety, Stress, Depression, Panic Attack, Panic Disorder:
Ilan lamang ang mga ito sa mga mental health problems na kinakaharap ng maraming tao sa mundo.
Marami ang nagtatanong, ano nga ba ang pakiramdam kapag may anxiety ka? Ayon sa mentalhealthblog.com, ang anxiety disorder ay isang grupo ng mga karamdamang pangkaisipan o tinatawag na Mental Disorder kung saan tayong mga tayo na may ganitong karamdaman ay nakakaramdam ng kaba, pagkabalisa, nerbiyos, at labis na pag-aalala sa mga bagay na maaaring nakikita, nararanasan o may takot sa mga pinagdaanang problema, o mga bagay na paulit-ulit nating naiisip.
Ano nga ba ang mga sintomas nito?
Minsan nagkakaiba-iba ang mga sintomas nito sa bawat tao. Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng taong may Anxiety.
1. Laging nag-iisip ng malalim.
2. Laging malungkot o natatakot o nag-aalala.
3. Biglang bumibilis ang tibok ng puso na animo'y inaatake.
4. Mas gustong mapag-isa o nagkukulong sa kuwarto.
5. Walang gana kumain o takot kumain ng marami. Minsan nama'y kabaligtaran.
6. Suicidal o naiisipang magpatiwakal minsan.
7. Takot mamatay.
8. Hindi nakakatulog ng maayos.
9. Palaging pagod ang pakiramdam.
10. Takot lumabas mag-isa o takot pumunta sa malayong lugar.
11. Laging nahihilo, nanghihina o nagpapatakbo sa ospital kahit normal naman ang mga Lab Test Results.
Paano nga ba makipaglaban o maiwasan ang ganitong karamdaman?
Sabi ng karamihan, walang gamot dito kundi ang sarili mong pag-iisip lang din. Narito ang ilan sa mga dapat gawin kapag tayo ay nakakaramdam o para makaiwas ng ganito.
PARA MAKAIWAS:
1. Huwag abusuhin ang sarili sa alak at sigarilyo.
2. Mag-exercise araw-araw.
3. Magsimba o magmeditate.
4. Huwag mag-isip ng kung ano-ano.
5. Matulog sa tamang oras.
MGA DAPAT GAWIN KAPAG INAATAKE:
1. Deep breathing. Nakakatulong ang paghinga ng malalim kapag sinusumpong ng anxiety.
2. Iiyak mo lang kung may gusto kang ilabas na sama ng loob.
3. Makipag-usap sa kapamilya o kaibigan.
4. Manood ng funny video.
5. Subukan mong matulog. Kapag hinsi ka makatulog, maaaring bumili ng mga food supplements gaya ng melatonin supplements na nabibili sa botika gaya ng sleepwell o sleepasil. Wala itong side effect kaya safe na safe inumin 30 minuto bago matulog sa gabi.
6. Magpakonsulta sa Psychiatrist o Psychologist para maresetahan ng angkop na medisina.
Maraming buhay ang nawawala dahil sa di nakakayanan ang mga ganitong sitwasyon pero isa sa pinakamabisang paraan pa rin ang pagbubukas ng iyong problema sa iyong mga kasama sa bahay o tapat na kaibigan.
Comment and Share.
Monday, August 15, 2022
MAKAKAAHON KA RIN: Tandaan mo lang ang mga TIPS na ito.
5 paraan para makaahon sa buhay at makaiwas sa mga utang.
Sa panahong ito, kailangan na nating maging praktikal
dahil sa hirap ng buhay. Maraming paraan ang kaya nating gawin para makaahon
tayo sa ating buhay o sa mga utang natin basta tayo ay pursigido at masikap.
Narito ang 5 paraan para makaahon sa buhay at makaiwas sa mga utang.
1. Maging
business-minded.
2. Maging Online Tutor.
Karamihan sa mga napupunta sa ganitong sideline job ay mga guro lalo na sa mga nagtuturo sa Private Schools o sa mga taong may kakayahan o kasanayan gaya ng mga former call center agents. Kung ikaw ay may kasanayan, may internet connection at sapat na gadgets, maaari mong pasukin ito. Ilan sa mga kilalang kompanya sa bans ana nag-ooffer ng online tutorials ay: Weblio, English Mania,Rarejob, bizmates at marami pang iba.
3. Gumawa ng Personal Blog.
Marami sa atin ang nawiwili sap ag-iipon sa mga alkansiya pero di mo ba alam na mas mahirap ito? Dahil sa di nga nagkakaroon ng interes, maaari ka pang matukso na basagin ito kapag ikaw ay gutom o may nakitang gusto moa gad bilhin. Kaya naman, mas mainam na magbukas tayo ng Bank Accounts nang sa ganun ay doon natin ipunin ang ating mga extra income. Napakaraming bangko sa Pilipinas na subok na dito kaya huwag mag-alala nab aka ito ay manakaw o mawala ng di moa lam. Sa ngayon ay nasa 0.5% pataas per annum na ang interest ng mga naiipon natin sa bangko o yung interes ng naipon mo sa loob ng bawat taon. Para mas masigurong hindi mo ito mailalabas agad, piliin mo ang “passbook” savings. Pero kung ikaw naman ay mapagtimpi, maaari mo ring kunin ang ATM Savings.
5. Kumita sa Youtube at Facebook.
Oh ikaw, mahilig ka ba sa mga social media? Baka ito
na ang panahon para mapakinabangan mo ang iyong liksi sa pagpost, pagshare at
paggawa ng mga videos na kung saan ay maaari ka pang kumit ng 100$ - 1000$ o
mas mataas pa.
Unahin natin ang Youtube. Siguro ay babad ka rin sa
panood ng mga videos sa Youtube gaya ng mga personal vlogs, cooking vlogs,
funny pranks at iba pa. Ang mga sikat na Youtuber gaya nina Alex Gonzaga,
Jamill, Ivana Alawi, Clark TV Facts at iba ay halos kumikita na ng 500,000
hanggang 1,000,000 pesos kada buwan sa pamamagitan lang ng paggawa ng mga video.
Paano nga ba kumita sa Youtube? Narito ang link para makagawa ka ng Youtube
Channel: https://youtu.be/Af2lFFbrTqA. Kapag nakagawa ka na, maaari ka nang mag-upload ng
mga original videos na ginawa mo. Kapag naabot mo na ang threshold requirements
na 1,000 subscribers at 4,000 watch hours sa loob ng isang taon, maaari ka nang
mag-apply for monetization at magkakasahod ka na buwan-buwan! Ang astig di ba?
Para naman sa mga mahilig sa Facebook, bakit di mo
subukang gumawa ng Facebook Page mo total mahilig ka namang magpost at
magshare. Alam mo ba na puwede ka ring kumita dito. Maraming features ang
Facebook para kumita gaya na lamang ng Instant Articles, Branded Content,
In-stream ads at marami pang iba. Kagaya ng youtube, may mga ilang requirements
din para maapprove ang iyong page sa monetization features. Para sa iba pang
detalye, maaaring magsearch na lang sa google o hintayin ang aking susunod na
video para sa tutorial nito.
Alam natin na walang easy-money. Wala ring yumayaman
ng biglaan (depende na lang kung may kalokohan kang ginagawa). Pero sa tulong
ng iyong imahinasyon, sikap at kahusayan, maaari mong makamit ang iyong mga
pangarap. Maraming Salamat po sa inyong panonood. Hanggang sa susunod nating blog/ video.
Sunday, August 14, 2022
5 PARAAN PARA MAKAIWAS SA STRESS
STRESSED? Paano mo nga ba ito maiiwasan?
Ano ano nga ba ang mga paraan para mabawasan o makaiwas sa stress? Narito ang ilan sa mga simpleng paraan:
1. Huwag mag-uwi ng trabaho sa bahay.
Ang trabaho ay ginagawa sa opisina, paaralan o saanmang lugar ka nagtatrabaho. Bigyan ang iyong sarili ng sapat na oras para makapagpahinga. Bago ka umalis sa iyong workplace, iwanan mo na lahat ang iyong iniisip sa lugar na iyo para pag-uwi mo, panatag at makakapagpahinga ka na ulit. Huwag nang tumanggap ng mga text messages o chat o anumang tawag na may kaugnayan sa trabaho mo. Kung hindi nila kayang respetuhin ang oras at personal na buhay mo, ikaw na mismo ang rumespeto dito. Madali lang makahanap ng kapalit mo ang iyong pinagtatrabahuan kung sakaling nagkasakit ka o may nangyari sayo. Pero walang ibang mangangalaga sa kalusugan mo kundi ikaw din mismo.
2. Matulog sa tamang oras.
Marami sa atin ang stressed dahil sa mga iniisip na problema sa trabaho, kabuhayan at sa pamilya. Isa sa mga mabisang paraan para makabawi ang katawan natin at mabawasan ang stress ay ang pagtulog sa tamang oras. Siguraduhin na makukumpleto mo ang 6-8 oras na tulog. Ikanga, kung ang battery ay nalobat, kailangan iting irecharge.
Kaya tayo nakakaramdam ng kalungkutan o sobrang pagod ay dahil di natin kayang bigyan ng pagkakataon ang ating mga sarili para makapag-unwind. May pera ka nga pero sobrang pagod mo naman, saan mapupunta ang pera mo? Eh baka di mo namamalayan habang nagpapayaman ka, unti-unti din palang bumabagsak ang katawan mo.
Kaya kung may pagkakataon ka, i-treat mo rin ang sarili mo. Maglakwatsa ka, magtravel, libutin ang mundo, dahil ang pera madali lang maibalik, pero ang karanasan at enjoyment ay mahirap na. Sabi nga nila, habang bata ka pa o kaya mo pa, magliwaliw ka na!
5. Magmeditate o magdasal.
Minsan kaya tayo nalulungkot o nai-stress ay dahil wala tayong koneksyon sa ating mga sarili at sa Diyos. Ang pagdarasal ay may napakalaking tulong sa ating pang-araw-araw na buhay. Tandaan na hindi masamang umiyak. Ibuhos mo ang lahat ng nararamdaman mo sa pamamagitan ng pagdarasal o pagmemeditate. Kung wala kang tiwala sa sarili mo, isipin mo lang na ang Diyos ang ating pinakasandigan sa mga malalaking problema na ating hinaharap sa ating buhay.
You may also like:
AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION
AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ang napakagandang lugar na ito ay dating bahagi ng dagat? Halika at...
-
DSWD CASH ASSISTANCE, DINAGSA SA UNANG ARAW! Ngayon ang unang araw ng pamamahagi ng ilang Rehiyon sa bansa sa Educational Assistance mula sa...
-
BAGULIN, LA UNION: Soft Broom Capital of the North Isa ka ba sa mga sabik na sabik nang mamasyal? Gusto mo bang mag-unwind? Tara, ipapasyal...
-
ANG GANDA! TAYUG: Hidden Gem of Eastern Pangasinan! Gusto mo bang ng adventure? Make your google map active now para hindi ka maligaw! Ilan ...