Sunday, August 14, 2022

TINALO SI LOLONG? FPJ's ANG PROBINSYANO, WAGI SA ONLINE AT IBA PANG PLATFORMS!

 FPJ's Ang Probinsyano, tinutukan ng madla!

Photo Credits: Kapamilya Online World

Talaga namang hindi binitawan ng maraming tagasubaybay ni Cardo Dalisay ang huling gabi nito noong ika-12 ng Agosto 2022.

Trending sa Twitter, Facebook at iba pang Social Media platforms ang pagwawakas ng nasabing serye ni Coco Martin. Ayon sa Dreamscape Entertainment, umabot sa lagpas kalahating milyon o katumbas ng 584,000 ang sabay-sabay na nanood sa online world! Isa na ito mas pinakatutukang pagtatapos ng isang serye sa bansa mula nang ilunsad ang mga online platforms bilang alternative viewing outlets.


Makikita rin na tinutukan talaga ng buong Pilipinas ang pagtatapos nito base sa google trends kumpara sa kasabayan nitong palabas sa GMA-7 na si Lolong.


Samantala, di pa rin naglalabas ang AGB-NIELSEN ng resulta ng rating hanggang sa mga oras na ito. Marami ang naghihintay dahil alam naman ng lahat na laging olats si Cardo Dalisay sa ratings game mula nang magsimula ang katapat nitong Lolong ng GMA-7. 

May bali-balita naman na magtatapos na ang serye ni Ruru Madrid sa darating na huling linggo ng Setyembre. Pero hangga't wala pang finale teaser mula sa GMA Public Affairs at GMA Network ay asahan ang patuloy na paglangoy ng bidang si Lolong na makakatapat naman ng papalipad na si Darna simula Agosto 15, 2022 - 8:00 PM.


Sa tingin mo, sino ang panalo sa ratings noong Agosto 12, 2022? 

Photo Credits to respective owners.

No comments:

Post a Comment

You may also like:

AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION

  AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ang napakagandang lugar na ito ay dating bahagi ng dagat? Halika at...