ASIN TUNNEL AND
ANDUYAN BRIDGE
Sa episode na ito ay ating
dadalawin ang mga tunnels na mano-manong ginawa ng mga prisoners of war noong
panahon ng pananakop ng mga kastila dito sa Pilipinas.
Likas nga na maraming kuwento ang
mga bagay-bagay na makikita sa ating kapaligiran. Mga kuwento na inukit at
nabuo mula sa kasaysayan ng mga nagdaang mga siglo hanggang sa kasalukuyan.
Sa araw na ito, Samahan niyo ako
sa isa muling adventure na tiyak na kapupulutan natin ng aral.
Simulan natin ang ating paglalakbay
dito sa bahagi ng Tubao, La Union. Mula dito ay kailangan lang nating bumiyahe
ng halos isang oras. Sa ating paglalakbay ay ating dadaanan ang Anduyan-Rizal-San
Pascual-Nangalisan-Asin Road na nagkokonekta ng mga probinsiya ng La Union at
ng Benguet.
Sa ating biyahe ay bubungad sa
atin ang ilan sa mga kurbadang kalsada dito sa Barangay Anduyan. Dahan-dahan
lang sa pagmamaneho syempre para safe tayo makarating sa pupuntahan natin at
safe din tayong makauwi. Dito pala sa lugar na ito ipinatayo o ginawa ang ang
bago at mahabang tulay ng Anduyan.
Ang tulay na ito natapos at
binuksan noong Nobyembre 26, 2018 sa
pangunguna ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary
Mark A. Villar. Ang tulay na ito ay may habang 360 lineal meters na ipinatayo
sa kahabaan ng Anduyan-Rizal-San Pascual-Nangalesan-Asin Road. Binubuo ito ng
dalawang lanes na gawa sa 12 spans at 30 meters pre-stressed concrete girder.
Ang Anduyan Bridge ay ginawa sa
layuning bawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Tubao at Baguio City
mula 2 ½ hours hanggang isang oras na lang. Isa pa, ang Aringay-Tubao Alternate
Road at Anduyan Bridge ay magiging bagong ruta sa Baguio City at babawasan ang
pagsisikip ng trapiko sa Agoo-Baguio City Road o Marcos Highway at
Bauang-Baguio Road o Naguilian Road.
Ang bagong tulay na ito ay may
mga sidewalks at reinforced concrete railings. Ito ay ginawa para sa mga
taga-Barangay Rizal at Alog East sa Tubao, La Union na tumatawid sa Aringay
River. Ito ay gawa sa dalawang abutment at may kabuuang 11 pier na lahat ay
nakapatong sa bored piles na 1,600 hanggang 1,800 millimeters ang diameter
upang matiyak ang katatagan.
Ang mga road safety device makikita
dinsa ilang bahagi ng tulay na binubuo ng mga babala at regulatory signage,
reflective thermoplastic pavement markings, solar powered street lights at
stone masonry slope protection na magsisiguro ng ligtas na paglalakbay ng mga
motorista at commuter.
Maliban dito, sa palibot ng tulay
na ito ay matatanaw ang napakagandang mga bulubundukin na nakadaragdag ng
nakakaaliw at nakakarelax na view sa pagdaan mo dito.
Pagkatapos nating daanan ang
tulay ng Anduyan, ay tutuloy na tayo sa Asin tunnels.
Sa paglalakbay natin dito sa daan
papunta sa tunnels ay makikita natin ang napakagandang view. Napakakulay ng mga
kahoy at damong nasa gilid ng kalsada. Tanaw na tanaw rin dito ang ilang mga
magagandang kabukiran sa mga kabundukan o mga mini rice terraces. Medyo may
kalamigan na rin ang simoy ng hangin dito dahil na rin siguro sa papataas na
elevation ng lugar.
Ang kalsada pala dito ay puno ng
sharp curves kaya dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Maging maingat sa paghawak
ng throttle ng sasakyan mo dahil mga mga nakakasalubong din tayong mga biyahero
sa kabilang linya ng kalsada. Kapansin-pansin rin na iilan lang ang mga
kabahayan dito. Sa gilid ng mga kalsada ay may mga nakainstall na rin na solar
street lights na sa tingin ko ay mas efficient at mas favorable sa budget ng
bayan nila dito.
Sa ilang bahagi ng naman ng lugar
na ito ay makikita ang ilang establismento na siyang nagsusuplly ng ilang mga
kailanganin ng komunidad. May mga bilihan o tindahan at iba pa.
Habang papalapit tayo ay
madadaanan rin pala natin ang malawak na paaralan ng Tuba National High School.
Madadaanan rin natin ang ilang mga hot spring resorts dito. Ang bahagi ng Tuba,
Benguet na ito ay kilala sa mga hotsprings. Kaunting kaalaman lang tungkol sa
mga hotsprings. Alam niyo ba na ang hot spring ay nabubuo kapag ang ang
subsurface magma sa ilalim ng lupa ay umaabot sa ibabaw nito. Ang hindi gaanong
mainit na tubig ay tumataas sa pamamagitan ng mga bitak sa lupa. Kapag umabot
ito sa ibabaw, nalilikha ang mga features tulad ng mga geysers, fumarole, at ng
hot spring.
At ilang sandali pa ay narating
na natin ang Asin Tunnel.
Naaalala niyo pa ba ang Aringay
Centennial Tunnel na naitampok natin sa mga nakaraan nating video? Ito ang tunnel na ginawa pa sa panahon ng mga
kastila ngunit dahil sa pananakop ng mga Amerikano ay sila na ang nagpatuloy ng
paggawa dito. Sa kasamaang palad ay nagipit ang gobyerno ng Commonwealth
Government ng Amerika kaya ito itinigil. At noong sumiklab nga ang World War II
ay ginawa itong kampo ng mga sundalong hapones dahil sa tibay ng mga pader nito
laban sa mga bala at pambobomba ng mga hukbong amerikano. Isa rin sana itong
bahagi ng Raiway System papunta sa Baguio. Ang tanong, may kaugnayan kaya ang
Aringay Centennial Tunnel sa Asin Tunnels? Halika na at ating alamin.
Ang Asin Tunnels ay itinayo noong
panahon ng mga kolonyalistang Espanyol ng kanilang mga bilanggo ng digmaan o
mga tinaguriang prisoners of war noong 2nd half ng 19th
century. Ang mga ito ay sadyang ginawa upang maging bahagi ng dapat na riles sa
Damortis La Union at Baguio City. Sa simula ng 20th century, inimprove
o pinakaganda ng mga amerikano ang kalsada at ang mga lagusan habang ginagawa
ang malapit at gumagana pa ring mga mini hydro plant na siyang nagsu-supply ng
kuryente sa lungsod ng baguio. Ang Asin tunnels 1 at 2 ay may habang 96 at 158
metro at may taas na 7 metro. Ang mga tunnel na ito ay ligtas para sa anumang
uri ng sasakyan dahil walang nakitang mga bitak dito kahit na matapos ang
mamamatay na lindol noong Hulyo 16, 1990.
Sa pagdaan natin sa tunnel na ito
ay kapansin-pansin ang malamig na temperatura. May mga tumutulong tubig din na
marahil ay galing sa bukal ng budok na bahagi ng tunnel na ito. Kapansin-pansin
rin ang mahusay na paggawa sa tunnel na ito dahil makikita natin na ito ay
purong bato o may component na solid rock.
Bumalik tayo sa tanong natin
kanina kung ang paggawa ng Aringay Centennial Tunnel ay konektado ba dito sa
mga tunnels na ito ng Asin, ang sagot ay maaaring oo dahil ayon sa sinabi natin
kanina, ang purpose nito ay para sa gagawing railway system din mula sa La Union
hanggang Baguio. Maaaring magkakaroon sana siguro ng intersection ng mga ito
kung sakaling natapos ang paggawa dito.
Sa ngayon ang mga tunnels na ito
ang siyang nagsisibling daanan ng mga kababayan natin na dumadaan sa bahagi ng
Tubao, La Union na pupunta sa Baguio City at vice versa.
Sadya ngang kahanga-hanga ang mga
lugar ng Pilipinas. Ang pagsakop at pananatili ng mga nagdaang kolonyalista sa
ating bansa ay di maikakailang may ambag din sa napakayamang kasaysayan ng
ating bansa.
Hanggang sa susunod na episode ng
ating paghahanap ng mga lugar na siksik sa kasaysayan at punong-puno ng
kuwento. Mga kuwentong may aral at libreng pamamasyal. Ito po ang inyong
Sirpogi ng Elyu na nagsasabing, EARN, TRAVEL and CHILL. Hanggang sa muli,
paalam!
No comments:
Post a Comment