Sunday, August 14, 2022

ELYU: Tara! Bisitahin ang Nakatagong Paraiso sa La Union!

BAGULIN, LA UNION: Soft Broom Capital of the North

Isa  ka ba sa mga sabik na sabik nang mamasyal? Gusto mo bang mag-unwind? Tara, ipapasyal kita dito sa ELYU!

Isa sa mga sikat na pasyalan ngayon ang probinsya ng La Union o mas kilala ngayon bilang ELYU: Surfing Capital of the North ng Pilipinas.

Narito ang isa sa mga nakatagong paraiso ng ELYU na tiyak na makakapag-unwind ka. Dayo ka na sa Bayan ng Bagulin, La Union. Ilan sa mga makikitang pasyalan dito ay ang sikat na Kudlap Cave Viewdeck, Kudlap Waterfalls, at Kudal People's Park.


Kung ikaw ay galing sa Southern Part ng Pilipinas o mula sa Central Luzon, tandaan lang ang mga landmark na ito bago ka makarating sa Bayan ng Bagulin, La Union.

1. BAUANG, LA UNION: Dito ka magsisimula. Sa tapat mismo ng Jollibee, ay susundan mo lang ang ang intersection highway pasilangan.


2. NAGUILIAN, LA UNION: Kapag nakarating ka na sa bayan ng Naguilian, La Union, deretsohin mo lang hanggang makarating sa Naguilian Police Station. May Crossing Road pahilaga o sa kaliwa at yun ang daanan para makarating sa Bagulin, La Union. Ituloy mo lang ang biyahe at VIOLA! Welcome to Bagulin ka na!



Entrance Fee: 10 Pesos (Kudlap Cave Viewdeck) / 10 Pesos (Kudal People's Park)
Narito ang ilan sa mga larawan na iyong makikita pagkadating mo sa iyong unwinding destination:

ARKO NG BAGULIN

KUDLAP CAVE VIEDECK
KUDLAP CAVE VIEDECK

POPOGI O GAGANDA KA kapag nakapagpapicture ka dito! Pramis.

KUDAL PEOPLE'S PARK ENTRANCE

KUDAL PEOPLE'S PARK VIEW

KUDAL PEOPLE'S PARK OPEN GROUND
KUDAL PEOPLE'S PARK VIEWDECK


KUDAL PEOPLE'S PARK EMOTE AREA


Kung sa tingin mo ay maganda at maaliwalas sa paningin ang lugar na ito, puntahan mo na, ngayon na!

You may also visit:
Facebook: https://www.facebook.com/sirpogielyu
Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=dIHGuQVIc8o






No comments:

Post a Comment

You may also like:

AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION

  AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ang napakagandang lugar na ito ay dating bahagi ng dagat? Halika at...