Thursday, August 18, 2022

BAGUIO CITY: Things to Explore on your Next Travel Destination!

BAGUIO CITY: Summer Capital of the Philippines


Kilala ang Baguio City bilang Summer Capital of the Philippines kaya't dinarayo ito ng napakaraming turista mapa-Pilipino man o mga dayuhan mula sa ibang bansa. Taglay ng lugar na ito ang malamig na klima kung saan mas kapana-panabik itong puntahan lalo na tuwing mainit ang panahon.


Mula early 20's, marami na ang nagbago sa lugar na ito. Isa na riyan ang patuloy na pagdami ng populasyon na siya ring dahilan ng pagdami ng estruktura o pagkakaroon ng decongestion. Ayon sa mga pag-aaral, bahagya na umanong tumaas ang temperatura dito. 


Pero kung pasyalan lang naman ang hanap mo, bakit lalayo ka pa. Sa Baguio mo makikita ang ilan sa mga exciting tourist spots na tiyak naman na magugustuhan mo. 

1. Mine's View Park.


Dito makikita ang sikat na viewdeck sa Baguio kung saan iyong matatanaw ang minahan sa Baguio. 

2. Baguio Botanical Garden.






Dito makikita ang iba't ibang halaman at mga structures na tiyak naman mapapapicture ka talaga. 

May mga tindahan din dito ng mga halaman gaya ng cactus at iba pa. 

Maaari ka ring magrenta ng mga kasuotang Igorot sa halagang 25.00 pesos each with unlimited shots. 


3. SM City Baguio.






Isa ito sa pinakamatipid sa kuryente na mall sa bansa dahil aircon-free ito o di gumagamit ng aircon. Isa rin ito sa pinakamalawak na mall sa Northern Luzon. May malawak itong viewdeck sa bawat palapag na tanaw ang makulay at mahamog na paligid ng siyudad.


Marami pang pwedeng puntahan sa Baguio. Nariyan ang Wright Park, The Mansion, Burnham Park, Skyranch ng SM Baguio, Teacher's Camp at marami pang iba.


No comments:

Post a Comment

You may also like:

AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION

  AGOO ECO-PARK IN AGOO, LA UNION Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ang napakagandang lugar na ito ay dating bahagi ng dagat? Halika at...